Tuesday, January 29, 2019

Unang Digmaang Pandaigdig by group 1

 UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Pandaigdigang digmaan naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundong noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente.

DIGMAAN

•Hidwaan 
•Kaguluhan 
•Madugong labanan
•Pag-aaway 

MGA SANHI SA PAGSIKLAB NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG 

 1. NASYONALISMO 

~Ito ay tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa sariling bayan. Ito rin ang ideolohiyang pampolitika bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika,kultura at iba pa.

Mga Halimbawa ng Nasyonalismo na Naganap 

• ang mga Hunter, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe
• pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria.
• ang pagkamuhi ng Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria.

2. IMPERYALISMO 

~Isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.

Mga Halimbawa ng Imperyalismo na Naganap 

• sinalungat ng Britania ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) 
• tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatag ng French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Aprika 
• naging kalaban din ng Germany ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina.
• hindi nasiyahan ang Germany at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang bahaging nakuha ng Inglatera at France.

3.MILITARISMO

~pagpapalakas o pagpapaigting ng sandatahang lakas ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpaparami ng armas at sundalo.

Mga Halimbawa ng Militarismo na Naganap 

• nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.
• upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo,kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan,gayundin ang pagpaparami ng mga bansa. 

4. ALYANSA

~isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng mga bansa o partido na sumusuporta sa isang programa,paniniwala o pananaw. 
2 Alyansa ang Nabuo:

A. TRIPLE ALLIANCE 

~Ito ay binubuo ng mga bansang Italy, Germany, Austria-Hungary. Ito rin ay itinatag ni Bismarck noong 1882.

B. TRIPLE ENTENTE 

~Ito ay binubuo ng mga bansang Russia, Great Britain at France.

THANK YOU 😊😊

BY GROUP 1
Sana marami kayong natutunan 😊

1 comment: